BDSwiss App
Download & start trading

Pangangalakal ng Mga Sapi sa BDSwiss

Higit sa 100 Pangunahing Simbolo ng Sapi

Mangalakal ng sapi na CFDs mula sa higit sa 10 pandaigdigang pamilihan at makakuha ng real-time quotes sa lahat ng assets. Gayon pa man, tandaan na wala kang angkin sa underlying shares na kinakalakal mo. Nag-eespekula ka lang sa direksyon ng presyo ng mga asset na ito sa hinaharap.

Marhen na kasimbaba ng 10% (katumbas na leverage na 1:10)

Mamuhunan sa mga sapi tulad ng APPL (Apple) sa isang praksiyon ng presyong ibabayad mo para bilhin ang aktuwal na sapi! Tandaan na ang minimum na laki ng kontrata ay 1 sapi na nangangailangan ng marhen ng hindi bababa sa 10%, nguni’t maaaring mag-iba ang mga pangangailangan ng marhen, na nangangahulugan na maaaring kailangan mo ng mas malaking kapital para kalakalin ang mga asset na ito. Tingnan ang Listahan ng Asset ng Forex.

Demo Account

Magbukas ng isang demo account sa iilang minuto lang! Magpraktis ng mga estratehiya sa pangangalakal nang walang panganib gamit ang aming real-time quotes, mga makabagong panuto at mga tumutugon na tsart.

Magtakda ng Mga Limitasyon sa Kita at Lugi

Gamitin ang aming makabagong Take-Profit at Stop-Loss na orders upang itakda ang mga limitasyon kung saan mo nais na awtomatikong isara ang iyong mga posisyon upang protektahan ang iyong kita o limitahan ang iyong mga posibleng lugi.

Bumili at I-short ang Anumang Asset

Sa pangangalakal ng CFD, maaari kang gumamit ng ilang mga estratehiya sa pangangalakal at mag-place ng mga posisyon sa parehong mga tumataas at bumababang presyo. Tandaan na ang espekulatibong pangangalakal ay may kaakibat na mataas na antas ng panganib.
Ang aming Mga Saping CFDs ay mga produktong derivative na pinahihintulutan kang mag-espekula sa presyo ng isang sapi nang hindi mo minamay-ari ito. Sa gayon ay maaari kang mamuhunan sa mga sapi nang gamit ang kaunting kapital. Gayon pa man, bago ka mamuhunan sa CFDs, kailangan mong tiyakin na ganap mong nauunawaan ang lahat ng kaakibat na panganib at gantimpala. Ang pangangalakal ng CFDs ay higit na espekulatibo at maaaring mawala sa iyo ang lahat ng iyong pinuhunang kapital.

Protektahan ang iyong Portfolio

Kung naniniwala ka na maaaring mabawasan ang halaga ng iyong kasalukuyang portfolio, maaari mong gamitin ang mga CFD para mabawi ang lugi na ito sa pamamagitan ng short selling.

Ang aming mga CFD na Sapi ay mga produktong derivative na pinahihintulutan kang mangalakal sa mga live na kilos ng presyo ng merkado nang hindi tunay na nagmamay-ari ng saligang instrumento kung saan nakabatay ang kontrata mo. Walang kaakibat na masalimuot na papeles.

Mangalakal na Ngayon
May panganib sa iyong kapital

 

Tingnan ang Aming Mga Kondisyon sa Pangangalakal

 

Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib. Pangkalahatang Pagsisiwalat ukol sa Panganib